Pagpapahalaga Sa Buhay Essaytyper

Pagpapahalaga sa buhay

June 12, 2009 at 5:52 am


“We will stand up every time human life is threatened; when the Sacredness of Life before birth is attacked; when a child is described as a burden. We will stand up and proclaim that they are worthy of love, care and respect.”- Pope John Paul II

Idineklara ng United Nations ang taong 1979 bilang International Year of the child. Sa kabila ng deklarasyong ito, ang karapatan ng mga unborn children ay ipinagwa-walang bahala pa rin. Dahil dito, sa mga pananalita noon ng yumaong Pope Jonh Paul II, itinuon ang kanyang pansin sa mga karapatan ng mga batang hindi nabibigyan ng pagkakataon na maisilang: ang kanilang karapatan upang mabuhay.

*****

Kamakailan, idineklara ni P/Insp. Marites Aradanas na hahabulin niya at hindi lulubayan ang mga abortionists sa lungsod ng Dagupan. Walang pinipiling oras at panahon, basta’t nakakita ng pagkakataon tiyak may operation laban sa kanila na kadalasan ay positibo ang resulta.

Biyernes ng gabi, sa utos ni P/Supt. Sonny Versoza, chief of police ng Dagupan City, nagsagawa ng operation ang unit ni Aradanas.

Napakalakas ng ulan at hangin, ngunit hindi nag-atubili ang operating unit ni Aradanas na magsagawa ng entrapment operation laban sa isang 62 anyos na babae na isang abortionist daw.

Positibo ang operation at tiklo ang matandang babae. Ang nakapanlulumo lamang ay lumpo at naka-wheelchair pa ang matandang babae.

Naalarma umano ang kapulisan dahil sa natanggap na ulat na marami na itong isinagawang pang-a-abort, pati sa isang 14-anyos na dalagita.

Napakadali rin umanong bumili ng mga gamot na pampalaglag sa matandang ito. Natagpuan sa matandang lumpo ang ilang uri ng tableta na pinaghihinalaang pampalaglag, mga gamot na hindi mabibili sa mga drugstores kung walang kaukulang prescription ng doktor.

“Lumpo hindi ka naawa?” ang tanong ko kay Aradanas.

Mas nakakaawa ang mga sanggol na kinikitlan ng buhay at ni hindi binigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo, sagot ng matapang na hepe ng WCCD ng Dagupan PNP.

Natatandaan ko pa, may isang operation noon na hindi nakayanan ng powers ni Aradanas na arestuhin ang isang abortionist na napalibutan ng kanyang mga anak na maliliit.

Naawa raw siya, marami at maliliit pa ang kanyang mga anak. (mga apo siguro kasi matanda na rin ito.) Pinalampas na lamang niya ito pero sa susunod ay hindi na raw.

Umabot na sa lima ang mga naarestong aborsyonista mula nang ideklara ni Aradanas na hahabulin niya ang mga ito. Maraming buhay ng mga walang kamalay-malay na sanggol ang maililigtas at magkakaroon ng pagkakataong mabuhay. Maraming buhay din ng mga ina ang mailalayo sa peligro at maililigtas sa posibleng kapahamakan.

Nahaharap ngayon ang mga akusado sa iba’t ibang mga kaso. Attempted abortion, intentional abortion at violation of R.A. 2382 kilala sa tawag na Medical Act of 1959 as amended.

Siyanga pala, Sir Sonny, nabanggit ni Insp. Aradanas na inspirado silang magtrabaho dahil na rin sa iyong kakaibang leadership at sa todo suportang ibinibigay mo sa kanila. Don’t you think they deserve commendation, too, sir?

Like this:

LikeLoading...

Related

Entry filed under: Opinion.

China’s consulLadies and gentlemen of the House vote for Con Ass

Ang pagpapahalaga sa sarili, pagpuri sa sarili, pagmamahal sa sarili, pag-estima sa sarili, o pag-ibig sa sarili (Ingles: self-esteem) ay isang katagang ginagamit sa sikolohiya upang ipamalas o ipasalamin o ipakita ang pangkalahatang pagsusuring pandamdamin ng isang tao. Isa itong paghatol sa sarili pati isang kaasalan sa pagharap sa sarili. Ang labis na pagpapahalaga sa sarili ay maaaring humantong sa pagkapalalo o kapalaluan.

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Binubuo ang pagpapahalaga sa sarili ng mga paniniwala (halimbawa na ang pagsasabi ng "Mabisa ako", "Magaling ako", "Ako ay mahusay" o "Ako ay nararapat") at mga damdaming katulad ng pananagumpay, kawalan ng pag-asa, pagmamalaki at kahihiyan.[1] Binigyan ito ng kahulugan nina Smith & Mackie sa pamamagitan ng pagsasabi na: ang diwa ng sarili ay ang kung ano ang iniisip natin hinggil sa sarili; ang pagpapahalaga sa sarili ay ang mga pagsusuring positibo at negatibo ng sarili, katulad ng kung paano ang nararamdaman natin hinggil dito.[2] Nakikilala rin ang pagpapahalaga sa sarili bilang ang dimensiyong pangsuri o pantimbang ng sarili na kinabibilangan ng mga damdamin ng pagkanararapat, mga dangal o orgulyo (pagmamalaki) at paghina ng kalooban (pagkasira ng loob).[3] Ang pagpapahalag sa sarili ng isang tao ay malapit ding mayroong kaugnayan sa kakimian.[4]

Bilang kalagayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pagpapahalaga sa sarili ay isang disposisyon (katayuan o kalagayan) na ang isang tao ay mayroon ng kumakatawan o representasyon ng kanilang mga paghatol sa kanilang sariling mga pagkanararapat.[5] Noong kalagitnaan ng dekada ng 1960, binigyan ng kahulugan ni Morris Rosenberg at ng mga teorisya ng pagkatuto at ng lipunan ang pagpapahalaga sa sarili bilang isang pansarili o personal na pagpapahalaga (kahalagahan) o pagkanararapat.[6] Noong 1969, binigyang kahulugan ni Nathaniel Branden ang pagpapahalaga sa sarili bilang: ang karanasan ng pagiging maaasahan (o may kakayahan) na makaangkop o makibagay sa saligang mga hamon ng buhay at pagiging nararapat na lumigaya. Ayon kay Branden, ang pagpapahalaga sa sarili ay ang kabuoan o katuusan ng pagtitiwala sa sarili na isang damdamin ng kakayahang personal, at ang paggalang sa sarili ay ang damdamin ng halagan ng sarili o kahalagahang pansarili. Umiiral ito bilang resulta ng isang lubos na pangangatwiran na ang bawat isang tao ay mayroong kani-kaniyang kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay, na makaunawa at makalutas ng mga suliranin, at ng kanilang karapatan na matamo ang kaligayahan, at mabigyan ng paggalang o respeto.[7]

Kaugnayan sa lipunan at sikolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bilang isang kayariang panlipunan (pakikisalamuha) at pangsikolohiya, nakakaakit ang pagpapahalaga sa sarili dahil nabigyang diwa ito ng mga mananaliksik bilang isang maipluwensiyang panghula ng may kaugnayang mga kinalabasan o resulta, katulad ng pagtatamo na pang-akademiya (Marsh 1990) o ugali ng pagsasagawa (Hagger et al. 1998). Bilang karagdagan, ang pagpapahalaga sa sarili ay isinaalang-alang din bilang isang mahalagang kinalabasan dahil sa kaugnayan nitong malapit sa kagalingan, kapakanan, o kabutihang pangsikolohiya (Marsh 1989). Ang pagpapahalaga sa sarili ay espesipikong mailalapat sa isang partikular na dimensiyon (halimbawa na sa pagsasabi ng "Naniniwala ako na ako ay isang mabuting manunulat at nasisiyahan ako dahil dito") o isang dugtong na pangglobo (halimbawa na ang pagsasabi ng "Naniniwala ako na ako ay isang masamang tao, at hindi maganda ang pakiramdam ko sa aking sarili, sa pangkalahatan"). Karaniwang itinuturing ng mga sikologo ang pagpapahalaga sa sarili bilang isang walang maliw na katangiang ng personalidad ("katangian" na pagpapahalaga sa sarili), na bagaman normal, mayroon ding umiiral na mga baryasyong panandalian ("katayuan" o "kalagayan" ng pagpapahalaga sa sarili).

Mga kasingkahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga kasingkahulugan o halos kasingkahulugan (malapit na singkahulugan) ng pagpapapahalaga sa sarili ang: pagkanararapat ng sarili o kahalagahan ng sarili,[8]pagsasaalang-alang sa sarili (kasama na ang mga layuning pansarili), pati na ang paggalang sa sarili o pagrespeto sa sarili[9][10][11] at integridad ng sarili (kalinisang-budhi ng sarili, dangal ng sarili, katapatan sa sarili, karangalan ng sarili, o kagitingan ng sarili[12]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. ↑Hewitt, John P. (2009). Oxford Handbook of Positive Psychology. Oxford University Press. pp. 217–224. 
  2. ↑E. R. Smith/D. M. Mackie, Social Psychology (2007) p. 107
  3. ↑Newman, Barbara M., at Philip R. Newman. Development through Life: A Psychosocial Approach. Homewood, IL: Dorsey, 1975. Print.
  4. ↑Schacter, Daniel. L "Psychology"
  5. ↑Olsen, J.M., Breckler, S.J., &Wiggins, E.C. (2008). Social Psychology Alive(unang edisyon) Canada:Nelson.
  6. ↑Baumeister, Smart, & Boden, 1996
  7. ↑Nathaniel Branden. Cómo mejorar su autoestima. 1987. Versión traducida: 1990. 1ª edición en formato electrónico: enero de 2010. Ediciones Paidós Ibérica. ISBN 978-84-493-2347-8.
  8. ↑"self-worth": na binigyan ng kahulugan bilang "self-esteem; self-respect" sa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online sa http://www.bartleby.com/61/58/S0245800.html. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  9. ↑"self-regard", na may kahulugang "consideration of oneself or one's interests; self-respect" na nasa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online na nasa http://www.bartleby.com/61/18/S0241800.html. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  10. ↑"self-respect", na may kahulugang "due respect for oneself, one's character, and one's conduct" (nakalaang paggalang sa sarili, sa sariling katangian, at sa sariling asal) na nasa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online na nasa http://www.bartleby.com/61/23/S0242300.html. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  11. ↑The Macquarie Dictionary. Ihambing sa The Dictionary of Psychology ni Raymond Joseph Corsini. Psychology Press, 1999. ISBN 1-58391-028-X. Online sa pamamagitan ng Google Book Search.
  12. ↑Salin ng "self-integrity".

0 Replies to “Pagpapahalaga Sa Buhay Essaytyper”

Lascia un Commento

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *